Mahalagang Paalala para sa Halalan 2025
Ang lahat ay pinapaalalahanan na simula na ng Pre-Voting Enrollment para sa National Elections 2025. Ang Pre-Voting Enrollment ay kinakailangang gawin ng lahat ng rehistradong botante upang makaboto sa darating na halalan.
Tandaan, ang Pre-Voting Enrollment ay magtatapos sa ika-7 ng Mayo 2025. Huwag hintayin ang huling oras upang makapag-enroll.
Para makapag-enroll, i-scan lamang ang QR Code na makikita sa ibaba gamit ang inyong mobile device, o i-type ang URL sa inyong browser para makapunta sa Pre-Voting Enrollment page.
QR Code:
Link:
https://ov.comelec.gov.ph/enroll
-------------
1.Ang Pre-Voting Enrollment ay para lamang sa mga rehistradong botante (overseas voter) na nasa labas ng Pilipinas. Hindi mabubuksan ang enrollment website kung ikaw ay kasalukuyang nasa Pilipinas.
2.Para makapag-enroll, ang rehistradong overseas voter ay nangangailangan ng personal na email address o cellphone number.
3.Kakailanganin ang alin man sa mga sumusunod na Philippine ID:
a. Pasaporte
b. Driver’s License
c. PhilSys ID
d. Integrated Bar of the Philippines ID
e. Seafarer’s Book
4.Ang opisyal na Halalan ay magsisimula sa 13 Abril 2025, 8:00AM (JST), at magtatapos sa 12 Mayo 2025, 8:00PM (JST).
5.Huwag paloloko sa mga pekeng link! Gamitin lamang ang opisyal na website ng COMELEC para mag-enroll. Huwag din ipamigay ang inyong personal na detalye sa mga hindi kilalang websites.
Para sa mga karagdagang katanungan, maaring makipag-ugnayan sa Konsulado sa pamamagitan ng mga sumusunod: Telephone No.: +81(0) 52-211-8811 o Email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..