MAHALAGANG ANUNSYO TUNGKOL SA OVERSEAS VOTING
(29 Marso 2022)
Paksa: Mga rehistradong botante na kulang o walang ibinigay na tirahan (address) sa kanilang pagrehistro para sa overseas voting
Pinapayuhan ng Konsulado ang mga botante na nakarehistro sa Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Nagoya na tingnan ang sumusunod na listan ng mga botante na kulang o walang ibinigay na tirahan (address) sa kanilang pagparehistro sa overseas voting:
(Paki-click)
LISTAHAN NG MGA BOTANTE NA KULANG O WALANG ADDRESS
Kung ang inyong pangalan ay kasama sa listahang ito, mag-email sa Konsulado sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. sa lalong madaling panahon, kalakip ang mga sumusunod na dokumento:
- Kopya ng pasaporte
- Kopya ng Residence Card o utility bills (halimbawa, bill sa tubig o kuryente) na nagpapakita ng inyong pangalan at tirahan (address)
- Kopya ng kinumpletong Overseas Voting Form 1 (OVF-1). Maaaring i-download ang OVF-1 dito.
Maaari ring ibigay nang personal sa Konsulado ang mga dokumentong nakasaad sa itaas.
Lubhang mahalaga na ipaalam o ibigay ninyo sa Konsulado ang inyong kumpleto at tamang address upang matanggap ninyo ang inyong balota na aming ipapadala sa pamamagitan ng Japan Post. Ang hindi pagkumpleto o pagwasto ng inyong address ay magiging dahilan nang hindi ninyo pagkatanggap ng inyong balota.
Maaari ninyong ipadala ang inyong balota mula ika-9 ng Abril 2022 hanggang ika-9 ng Mayo 2022 matapos ninyo itong matanggap mula sa amin.
Sana po ay tulungan ninyo ang Konsulado na ipaalam ang impormasyong ito sa ating mga kababayan.
Kung kayo ay may mga katanungan tungkol sa overseas voting, mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Bisitahin din ang website ng Konsulado sa https://nagoyapcg.dfa.gov.ph/ para sa mga pinakabagong impormasyon tungkol sa overseas voting.