29 December 2021 - Ang mga aplikante na naghihintay ng kanilang pasaporte, ng mahigit sa 1½ buwan matapos ang aplikasyon sa Konsulado ng Pilipinas sa Nagoya, ay pinapayuhan na tignan ang kanilang mailbox para sa abiso (Notice of Delivery while Absent / Fuzai Haitatsu Tsuchi) mula sa Japan Post, katulad ng nasa ibaba:
Kung kayo ay nakatanggap ng naturang abiso, Ito ay patunay na ang Japan Post ay sumubok na ihatid ang inyong dokumento (halimbawa, ang inyong pasaporte), ngunit wala kayo o ang inyong mga kasama sa bahay/tinutuluyan upang tanggapin ito.
Ang abiso ay naglalaman ng impormasyon kung paano ipasuyo sa Japan Post na ihatid muli sa inyong bahay/tinutuluyan ang dokumento ayon sa araw at oras na inyong nais. Upang malaman kung paano gamitin ang abiso, o paano basahin ang nakalakip na Postal Communication Guide mula sa Japan Post, pinduting ang link na ito.
Kung kayo ay may katanungan, maari po kayong magpadala ng liham or mensahe sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Maraming salamat po.